Buhay ni Jose Rizal
Kabataan sa Calamba
June 19, 1861 - Calamba, Laguna Anak ni Francisco Rizal Mercado at Teodora Alonso Realonda y Quintos Natutong magsulat at magbasa noong siya'y limang taong gulang
Namatay ang kaniyang kapatid na babae, si Concepcion, sa edad na tatlong taong gulang. Napagtanto ni Rizal na ang buhay ay puno ng paghihirap.
Madalas dinadaanan ang sambahayang Mercado ng mga awtoridad na sibil, militar, at ng simbahan. Kaya, nailantad sa kanila ang mundo sa labas ng Calamba na hindi naranasan ng ibang pamilya sa probinsya.
Noong pitong taong gulang si Rizal, tumungo sila sa Antipolo para sa kaniyang pilgrimage.
Impluwensiya ni Paciano
Naging "mentor" ni Rizal ang kaniyang kuya na nanirahan kasama ni Jose Burgos.
Nag-aral si Rizal sa Binan dahil sa pagkamatay ng kaniyang tutor. Noong 1870, umalis si Rizal sa Binan at nagpatuloy ng pag-aaral sa Maynila.
Mga Inhustiya
Naantala ang pag-alis ni Rizal tungong Maynila.
Naging estudyante si Paciano sa Colegio ng San Jose sa Maynila nang ilang taon, at madalas bumabagsak dahil sa kaniyang pagsasalita laban sa mga kasamaan ng Pilipinas.
Lahat ng pangarap ng isang mas malayang Pilipinas ay nasira noong Pebrero 1872. Sa Cavite, pinapatay ang mga taong nagpakita ng pagkadismaya sa kondisyon ng Pilipinas, partikular na ang GomBurZa.
Dahil sa koneksyon ni Paciano kay Burgos, naging konektado rin ang pamilya nila sa pagbitay.
Sinabi ni Jose Alberto, pinsan ni Teodora, na nagtangkang lasunin siya ni Teodora. Dahil sa yaman ni Alberto, linagay si Teodora sa prisinto. Nawalan ng tiwala si Rizal sa sistema ng hustisya sa Pilipinas. Pagkatapos ng dalawang taon pa nakalaya si Teodora.