bato ng Lorelei
Isang malaking tipak ng bato sa gilig ng Ilog Rhin at lubhang mapanganib para sa mga barkong dumadaan ngunit hinahangaan dahil nariringgan ng kagila-gilalas na mga alingawngaw. Sang-ayon sa alamat, likha ang alingawngaw ng nakatira doong engkantada na si Lorelei.