Isang heneral na Romano si Lucullus at tanyag sa pagdudulot ng mararangya at kagila-gilalas na bangkete. Minsan, dahil walang panauhin, dinulutan lamang siya ng karaniwang hapunan, kaya't nayayamot niyang sinabing "Kumain ngayon si Lucullus sa bahay ni Lucullus." Binaligtad ni Rizal ang pahayag sapagkat okupado nang lahat ang upuan sa hapag at wala nang puwesto para sa may-ari ng bahay na si Kapitan Tiago.

Built with LogoFlowershow